Protected: PROJECT BRIEF: Defining the Role and Orientation of the Atene de Manila University’s Office for Social Concern and Involvement

November 8, 2014 Enter your password to view comments.

This content is password protected. To view it please enter your password below:

A Different Calling

August 6, 2014 § Leave a comment

August 4, 2014

 

JOHN PAUL VERGARA, PhD

Vice President for the Loyola Schools

Ateneo de Manila University

 

Dear VP Vergara,

I am Roger Cabiles Jr and a current Student Affairs Professional of the Office for Social Concern and Involvement. I have been with Ateneo for more than 2 years and this year would be the time when I should be submitting requirements for my permanency. But I won’t be submitting those documents, instead, I am writing this letter to inform you, after careful discernment, that I won’t be applying for permanency.

I chose to work in Ateneo de Manila because I believe that forming the minds of the middle-class and the elite to be socially-aware and involved is needed to assist the development of our people from the bottom. I would want to breed a new set of ilustrados. Working with the students and my co-formators gave me a certain consolation that there is a continuous effort of forming our consciousness in line with our belief that we need a faith that does justice.

Two years and counting, I still stand by that but I feel that I have to respond to a different calling. Certain events helped me make up my mind to reach this decision. Formation entails a lot of experience working with the marginalized and I feel that my experience is not enough as I too, am in the process of forming the foundation of my life as a development worker. I also would not want to be a burden to my team and our office as I believe that there are better persons equipped with the right knowledge, experience and determination to do the job.

It is my hope that OSCI and Ateneo form men and women for others not just by expanding the bubble where Ateneans are but by popping it so our students can genuinely see, feel, engage and live the reality of society.

Maraming salamat sa OSCI at sa Ateneo sa pagututuro sa aking magmahal, magtaya at magpalaya.

 

Para sa bayan,

 signature

 

 

ROGER CABILES JR.

 

 

Pangarap

July 2, 2013 § Leave a comment

An Inspirational Message Delivered to the Newly Inducted Student Leaders of Notre Dame of Jolo College in Sulu, June 26, 2013

Image

Magandang hapon po sa inyong lahat.

So I was tasked to deliver an inspirational message to those who of you who were inducted today as officers of your respective organizations. Nung sinabihan ako nito, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. It was too much a task to handle at kung meron mang isang bagay na mahirap ibigay, na mahirap ipilit sa isang tao, yun yung inspirasyon. At sana ay ma-inspire kayo sa mga sasabihin ko sa ilang minutong inilaan para sa mensaheng ito.  Mahirap.

Today, you were inducted as the officers of your organizations, that is to say, you are student leaders. Student Leaders. Big words. Ano ba ang ginagawa dapat ng isang student leader? Ng isang lider-estudyante? Sa aking palagay, isa sa pinakakamahalagang gawain ng isang lider estudyante ay yung mangarap. Mangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya, mangarap para sa kanya-kanyang organisasyon, mangarap para sa komunidad, at mangarap para sa mga tao, sa mga kasama nating hindi na kayang ituloy yung mga pangarap nila.

Isang magandang katangian ng isang tao ay yung marunong mangarap para sa sarili. Yung ambisyoso ka pero sa magandang paraan. Kung hindi natin kayang mangarap para sa sarili natin, paano pa tayo mangagarap para sa iba? Ako nung bata ako, pangarap kong maging presidente ng Pilipinas. Ganyan kalaki ang pangarap ko, syempre nagbabago ito pero nagsilbi itong gabay sa buhay ko. My dreams for myself were always big, because I won’t settle for something less than I deserve. And dreaming big has always set the bar higher for me, kumbaga dahil mataas pangarap ko, kailangan mas mag-aral ako mabuti, mas maging aktibo ako sa mga organisasyon ko, kailangan maging mas mabuti akong tao. And because of that, I am becoming a better person.

Syempre, officer tayo ng ating mga organisasyon kaya responsibilidad din nating mangarap para sa mga organisasyon natin. A good leader is a person with a vision. Kumbaga you are driving the bus of your organization- mahalaga na alam ng driver kung saan nagpapahatid yung mga tao sa bus, or sa mga organisasyon natin, mahalaga na alam natin kung saan patungo yung organisasyon. Ano nga ba yung vision ng organisasyon natin? Ito yung nagbubuklod buklod sa atin, kaya mahalaga na alam lahat, na yakap lahat, na isinasapuso ng lahat yung pangarap ng organisasyon at dahil tayo ang officers nasa atin ang mas malaking responsibilidad na pangalagaan at payabungin ang pangarap ng ating organisasyon.

So bakit kailangan nating maging better person? Bakit kailangan natin ng organisasyon na may pangarap?  Para saan ba at nangagarap tayo? I guess, we dream not only for ourselves, for our organizations, for our families. It should be towards something greater than us, something more than our petty problems, more than our small ambitions, more than our selfish interests.  Dapat may patutunguhan yung mga pangarap natin. Dreams should be bigger than ourselves. It should always be towards the greater community, the common good.

But I tell you, dreaming is never easy. You go out of this school and you see families deprived of their capacity to dream, you see children robbed of their dreams, people finding it hard to dream because they feel that it is a luxury they cannot afford.  Nakaklungkot isipin at malaman na yung simpleng pangangarap ay hindi magawa ng maraming tao dahil nawalan na sila ng pag-asa- siguro dahil sa maraming bigong pangarap nila noon, sa takot na hindi matupad yung mga pangarap nila, o sa kadahilanang sa sobrang daming alalahanin at problema, hindi na nila kayang mangarap pa. Responsibilidad nating mga lider estudyante na ituloy ang mga pangarap na hindi natupad. Responsibilidad natin na turuang muling mangarap ang mga tao. Responsibilidad nating pukawin ang takot sa kanilang mga puso upang mangarap muli. Yun ang kahuluguhan ng pagiging isang komunidad- you do things people cannot do; you let them do things you cannot do; and eventually you do things that you do with them.  Mangagarap tayong magkakasama, walang iwanan.

The thing with dream is, you do things you cannot do because of it. Pangarap ko dati pumunta ng Sulu, pero andami daming masasamang balita ang naririnig namin sa Maynila tungkol sa Sulu. Syempre andun pa rin yung takot, hindi naman mawawala yun pero dahil pangarap kong pumunta dito, pangarap kong makilala kayong mga taga-Sulu, dahil pangarap kong iparamdam sa inyo na kapatid ko kayo, na kasama ko kaya, heto ako nagsasalita sa harap ninyo at sinasabi yung pangarap ko.  Wala na akong pakialam sa takot, wala na akong pakialam sa agam-agam., ang mahalaga tinutupad ko ngayon yung pangarap ko and I tell you, it is a good feeling, it is a great feeling.

I challenge you to go out of your comfort zones and dream. Fear will always be there, but if your dreams are bigger than your fears, kung sobrang gusto niyong maabot yung pangarap ninyo, hindi kayo magpapadala sa takot. Dream big. Dream bigger than yourselves. Dream biggest with the people.  Lumabas tayo sa mga sarili natin at mangarap kasama ang iba,  mangarap para sa mga taong hindi kayang mangarap, mangarap para sa mga taong hindi natupad yung mga pangarap nila. At syempre, hindi sa pangarap natatapos ang lahat- sama-sama nating abutin ang mga pangarap natin- dahil dito sa sama-samang pangagarap at sa sama-samang pag-abot nito makikita natin yung mga sarili natin, dito natin makikita yung gampanin natin sa lipunan, at dito natin malalaman kung bakit ba natin kailangang mangarap, kung bakit kailangang abutin ang mga ito at kung bakit mayroong mga pangarap.

Huwag tayong matakot mangarap at sama-sama nating abutin ito. Mabuhay kayong  mga lider-estudyante! Mabuhay ang pag-asa ng bayan! Mabuhay ang Sulu! Mabuhay ang mga pangarap natin!

May 30, 2013 § Leave a comment

May 30, 2013

MICHAEL LIBERATORE
Officer in Charge
Office for Social Concern and Involvement
Loyola Schools, Ateneo de Manila University
Quezon City

Professor Liberatore,

Greetings!

This letter is in connection to me being the recipient of the Erasmus Mundus Mobility Award for Asia (EMMA) 2013. I have been selected from applicants from the Philippines for the program which will require me to spend a month in University of Nice- Sophia Antipolis in France. The Erasmus Mundus program aims to ‘ foster institutional co-operation in the field of higher education between the European Union and Third Countries through a mobility scheme addressing student and academic exchanges for the purpose of studying, teaching, training and research.’

I already informed Christian Bernardo, our InTACT-JEEP Team Leader, Lucia Chavez, OSCI’s Assistant to the Director for Operations and past OSCI Director Mary Ann Manapat with the details of the program. Currently, I am preparing my plan of work during my stay in France. Because the University doesn’t have an office like OSCI, I am planning to integrate myself in their office which handles student life and organizations and immerse myself with student organizations involved in humanitarian work and social issues. With these, I can get a hold of how student social concern and involvement works in a European Higher Education Institution and how students through their lifestyle and their organizations perceive and act on social concern and involvement with their own context.

EMMA is a partnership between the Ateneo de Manila University and Erasmus Mundus. Ateneo has been sending their staff, students and academics to Europe for this partnership. Last year, Prof. Rene Claveria of the ES Department was the recipient of the program the same as mine. He was considered on ‘official business trip’ during his stay in Europe as it was a partnership between Ateneo and Erasmus Mundus. I leave it up to you and the A-Team to consider the details of my case.

The tentative date of the program would be from October 1, 2013 to November 8, 2013. I believe that constant exchanges foster diverse perspectives and innovations. I am also sure that the learning and the experience I will get from this will not just benefit me and the Ateneo but the greater community as well on which our dreams and aspirations are founded, and on whom our efforts and actions find meaning.

For the people,

ROGER A. CABILES JR.
Student Affairs Professional

May 28, 2013 § Leave a comment

PicsArt_1369744398501_1Today is my 365th day in Ateneo. I chose this kind of job with high hopes that I can help form a new breed of ilustrados, that by facilitating the engagement of the youth and the marginalized sectors, they can go out of their comfort zones and be with the people, that through constant consciousness raising and immersions, we can have a unified call for respect for human dignity and collective action, regardless of class, towards genuine social change. And it is a struggle by itself.

I thank my OSCI-mates for the inspiration, and my InTACT-JEEPmates for the guidance. To my students, who have been the source of my frustrations and my hopes, excellence itself is not magis, doing more is not enough- unless you offer those things to someone or something greater than yourself, your circles, your dreams, only then you become more, only then it becomes magis. To you who helped me push myself, I won’t be where I am now if not for you being there always, thank you and sorry. I guess I should get used to moving forward on my own, for the better of us. To Ateneo, thank you for the opportunity. To the Oblation, thank you for the reminders. And more importantly to the people, to the ‘bayan’, to the ‘Other’- at the end of the day, it all boils down to being one of you, to fighting with you, and doing great things for you.

There are times I ask myself where am I most needed, where can I serve the most, where can I be most happy. Still, I don’t know. I’ll just work with what I have and go where the road leads me, or maybe go to somewhere less traveled, or better, make a road of my own.

Tomorrow, ends all that is less of me. Tomorrow, I continue dreaming. Tomorrow, I start a new year.

My Last Pitch for a Vote against Sonny Angara

May 11, 2013 § Leave a comment

Image

Marami akong hinahanap sa isang senador bago ko siya suportahan pero pinakaimportante sa lahat ng hinahanap ko ay iyong marunong making sa bayan. Certainly, Sonny Angara failed in this point and doesn’t deserve our votes. Friends, we vote our senators to represent us, in the halls of the Senate. Sonny Angara, as he admitted, failed to consult properly with the people of Casiguran on the Aurora Pacific Economic Zone (APECO). It is very important for our elected officials to value the voice of the people because they are our representatives, they are expected to fight for our rights, to join us in the struggle, to articulate our voices and our stands but Sonny greatly failed his constituents in Aurora. And in the Senate, in which he will have a greater constituency, hindi natin kailangan ng Senador na hindi marunong making, hindi marunong makipag-usap at hindi marunong umayon sa tawag ng bayan.

Palaging pinagmamalaki ni Sonny Angara ang kanyang excellent educational background, pero I think basic naman na kung mayroong proyekto kang isusulong, yan ay napag-aralang mabuti, and again, Sonny’s pet project, APECO, which aims to alleviate poverty and uplift people’s lives in Aurora failed to provide a feasibility study. Sonny, yung proyekto mong APECO, makakaapekto yan sa buhay at kabuhayan ng libong tao, lalo na ng mga magsasaka, mangingisda at katutubo sa Casiguran tapos hindi pinag-aralan? That’s stupid, just plain stupid! And you wonder why many people are against APECO? Muli, hindi natin kailangan ng senador na hindi marunong pag-aralan yung mga plano at programang hinahain niya. Ano bang pinag-aralan mo sa UP at sa Harvard? Sinasayang mo ang pera ng bayan, Sonny. Hindi ka karapat-dapat sa Senado.

Builders of Aurora daw yung mga Angara. To tell you the truth, sa pananatili nila dun, lalong humihirap ang mga tao sa Aurora! In 6 years’ time, poverty worsened in Aurora by 10%! Imagine from 20% to 30%! Tapos sasabihin ninyong magagaling ang mga Angara? You have been in power for decades! At gusto pa nila ng APECO na hindi napag-aralan, hindi nakonsulta tapos ito daw yung mag-aahon sa hirap ng mga taga-Aurora. Kasinungalingan! Hindi natin kailangan ng isang senador na nanggaling sa isang pamilyang pinalala ang kahirapan sa lugar nila habang sila ay payaman ng payaman. We certainly don’t need another Angara in the Senate!

Mga kaibigan, lately palagi kong nakakasama ang mga Casiguran marchers. Minsan hindi ko maiwasang malungkot sa mga kwento nila, sa kung paano sila itinatrato ng mga Angara, and we don’t want a Senator treating his people like doormats. Naglakad sila ng pagkalayo-layo sa init, sa ulan, sa lupa, sa semento, sa bundok, sa lungsod para lang iparating sa inyo yung mga ginagawang pang-aapi, pang-aalipusta ni Sonny Angara sa kanila. Nahihirapan silang iparating sa inyo yung mga kwento at hinaing nila dahil hindi sila pinapakinggan ng mainstream media pero I assure you, kung kayo mismo ang makaririnig sa mga kwento nila, hindi niyo rin iboboto si Sonny Angara.

Ayaw natin sa isang senador na kukunin yung lupang pinagbuhusan mo ng pawis at dugo na siyang pinagmumulan ng pagkain para sa pamilya mo. Ayaw natin ng isang senador na ipinagkakait ang karagatan sa mga mangingisda at ibinibigay ito sa mga dayuhang kumpanyang dudungis lamang dito. Ayaw natin ng isang senador na hindi iginagalang ang binababoy ang karapatan ng mga katutubong Pilipino. Ayaw natin ng senador na hindi marunong making sa bayan at naniniwala lamang sa kanyang sariling ideya at hindi sa kolektibong pagpapasya ng mamamayan. Ayaw natin ng senador na nang-aapi, nang-aalipusta at nanghahamak sa mga maliliit na tao. Ayaw natin ng senador na inaagaw ang pangarap at kinabukasan ng kabataan. Sonny Angara has been an epitome of what I just said. Hindi po natin kailangan si Sonny Angara sa Senado.

Friends, please let us not vote for Sonny Angara. He might have the background, he might have passed some good laws, he might look good and presentable, but one thing is missing- he is not a man of the people. Hindi siya magiging senador para sa tao kundi siya ay magiging senador para sa kanyang sarili at sa pamilya lamang. Walang wala yung ‘good record’ niya kung iisipin natin yung napakaraming buhay na sinira niya dahil sa isang maling proyektong hanggang ngayon ay pinapanindigan niya. Hindi pwedeng palampisin ang APECO issue sa pagpili ng senador dahil ang isyung ito ay isyu ng mga maliliit na tao.

Let us not be like another Sonny Angara. Pakinggan natin yung boses ng maliliit na tao, yung mga nasa laylayan ng lipunan na nagsasabing hindi karapat-dapat si Sonny Angara sa Senado. Huwag nating biguin yung mga taong ang laki ng sinakripisyo, ang daming pinagdaanang hirap, dahil sa ginawa sa kanila ni Sonny Angara.  Huwag na tayong maging katulad ni Sonny Angara na palagi na lang binabalewala ang boses ng mga mahihirap.

A vote against Sonny Angara is a vote for good governance. 

A vote against Sonny Angara is a vote for genuine people’s representation in the development process.

A vote against Sonny Angara is a vote for inclusive development.

A vote against Sonny Angara is a vote for the respect on the indigenous people.

A vote against Sonny Angara is a vote for the environment.

A vote against Sonny Angara is a vote for the people.

A vote against Sonny Angara is a vote for our future.

Friends, you know me, and hopefully you know where I am coming from.  Hindi ko ito gagawin kung hindi dahil sa mga kwento ng mga taong nakausap ko. Samahan ninyo akong manindigan kasama yung mga maliliit na tao sa hindi pagboto kay Sonny Angara. Let us not vote for Sonny Angara.

Posible.

April 2, 2013 § Leave a comment

Magandang gabi po.

Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa pagkakataong ito na magsalita sa harap ninyo. Noong 2003 nagsasalita rin ako sa harap ng graduating class ko upang ibigay yung valedictory address, sa town plaza pa yun kung tama ang pagkakaalala ko. Hindi ko aakalain na matapos ang 10 taon ay babalik ako dito para magbigay ng commencement address sa Batch 2013.

Posible pala na sa loob ng sampung taon ay bumalik ako dito para magsalita sa inyo. Posible pala na makapagtrabaho ako sa Ateneo de Manila, kung saan nag-aral noon si Jose Rizal. Posible pala na makapasa ako sa UPCAT at makapag-aral sa UP na pinanggalingan ng 7 presidente ng Pilipinas. Posiblepalang makapag-aral ako ng isang taon sa ibang bansa at makita ang Super Junior, ang Girl’s Generation at iba pa. Posible palang yung isang taong hindi kilala nung 1st year highschool siya ang naging pangulo ng student council nung grumaduate siya. Posible pala yung mga bagay na yun.

Naisip ko ba tong mga bagay na to nung nakaupo ako dyan sa lugar ninyo 10 years ago? Oo at hindi.

Hindi dahil hindi ko naman inakala na ganito yung mangyayari sa buhay ko.  Hindi pa naman planado ang buhay ko nung Grade 6 ako. At mas lalong hindi ko pa alam kung anong gagawin ko sa buhay ko noong mga panahong iyon.

Ngunit Oo din dahil kung babalikan ko, yung mga maliliit na tagumpay na to, naging daan ito patungo sa mga pangarap ko. At dito  sa TR Yangco Memorial School inumpisahan  kong mangarap. Dito ako nangarap ng malaki. Alam yan ng mga naging adviser ko. Graduating class ng 2013, huwag kayong mahiyang mangarap, maliit man malaki. Espesyal sa akin ang Yangco daya dahil dito nabuo ang mga pangarap ko. Sa pangarap nagsisimula ang lahat, at huwag kayong matakot na hindi ninyo maaabot ang mga pangarap ninyo.

Nung isang linggo, kakagaling ko lang sa Porac, Pampanga. Tumira ako dun ng apat na buwan nung college ako kasama ang mga katutubong Ayta. Nagkwekwento yung isang batang gragraduate ng elementary sa akin. Ang saya saya daw niya na gagraduate na siya ng elementary at malapit na daw niyang matupad yung pangarap niya. Simpleng pangarap pero nung nakita ko yung kasiyahan niya na malapit na daw niyang maabot yung pangarap niya, natuwa ako. Napaisip ako, sila na sobrang daming dinadala sa buhay aypilit inaabot yung mga pangarap nila. Alam niyo kung anong meron sa kanila? Inspirasyon. Kahit gaano kadaming pagsubok, kahit gaano kahirap ang buhay, kahit gaano kabigat ang problema , pipilitin at pipilitin nilang abutin ang pangarap nila dahil may inspirasyon sila- gusto nilang makatulong sa pamilya nila, gusto nilang mabago ang buhay nila at gusto nilang makatulong sa komundad nila.Inspirasyon, ito ang magdadala sa atin sa mga pangarap natin.

Isa sa itinuturing kong inspirasyon ay yung masasayang araw ko dito sa Yangco. Hindi ako iba sa inyo. May mga pagkakataong naglilinis ako ng banyo, umiigib ng tubig sa malayong poso/gripo para ipandilig sa mga halaman, naghahabulan sa may mga puno ng manga malapit sa Home Economics Bldg, durugin yung tae ng kalabaw at baka gamit yung kamay para pang-abono sa mga tanim namin. Mayroon dingkaranasan na nasasaniban daw yung isa naming kaklase, napingot ako dahil may kinulong ako sa loob ng room, umiyak ako dahil kinulong ako sa divan at iba pa. Kung sabi ni Rizal, ‘ Ateneo, I spent many happy years there’, kaya ko ring sabihin ng taas noo, ‘Yangco, I spent many happy years there’.

Minsan iisipin natin, baka isa sa hadlang kung bakit hindi matupad pangarap natin o hindi tayo makapagsabayan sa iba ay dahil nanggaling tayo sa isang public school. May punto nga naman: ano nga bang panama natin sa mga private school na may sapat na libro, maaayos na upuan at mesa, magagandang building, at iba pang mas okay. Pero sasabihin ko sa inyo nagkakamali kayo. Hindi ko kailanman kinahiya na nanggaling ako sa isang public school at sana kayo rin. Sana mamaya, sa ating panunumpa ng katapatan sa ating alma matter, maisapuso natin at maipagmalaki na produkto tayo ng TR Yangco Memorial School.

Ano nga bang meron sa atin na kaya nating makipagsabayan at kaya nating maging mas magaling? Andyan yung mga teacher natin, na bihasa sa ilang taon at dekada ng pagtuturo. Kahit makukulit kayo, ay patuloy pa rin ang paghaba ng pasensya para turuan kayo. Sila na tumaya sa inyo at umaasanghindi kayo mabibigo sa buhay. Naiintindihan ko kayo kung may mga pagkakataong naiinis kayo sa kanila pero sasabihin ko sa inyo, pag tumanda kayo, makikita ninyo yung napakalaking tulong, napakalaking sakripisyo  at napakalaking kahalagahan nila sa buhay ninyo. (Salamat po sa mga naging guro ko dati sa paggabay at sa pagtuturo.) Andyan yung mga magulang natin, na patuloy na nagtatrabaho, nagsasaka, nangangaso, nagtitinda ng isaw, halo halo o barbeque, nagtatraysikel, nagdarasal at nangungutang para lang magtapos tayo. Huwag nating kalimutang pasalamatan sila sa lahat ng sakripisyo nila sa mahalagang araw na ito. Andyan yung mga kaklase natin, na nakasama natin ng 6 na taon, yung iba siguro makakasama natin sa mga susunod pa, sa hirap, sa ginhawa, sa takbo,patintero, taguan, text, iyakan, sa mga sanib, sa pagtakas sa paglilinis pag cleaners ka, sa pagsumbong ng mga noisy, standing at not in proper seat at iba pa. Isa ito sa mga huling araw na magkakasama kayo ng buo, huwag ninyong hayaang matapos ang gabing ito ng hindi nagpapasalamat sa isa’t isa.

Kaya nating makipagsabayan dahil kahit limitado yung kung ano ang meron tayo dahil sa limitadong pondo ng public schools:Kaya nating magtiis. Kaya nating lumaban. Kaya nating gumaling. Kaya nating mangarap at abutin yung mga pangarap natin. Huwag kayong mahihiyang nanggaling kayo sa public schoolDito tayo hinasang mabuhay at makipaglaban sa buhay  Dito, natuto ako ng ako lang, pero natutunan ko rin ang makiisa. Dito tayo nangarap mag-isa at dito rin tayo nangangarap ng magkakasama.

Ngayon, tatanungin ko kayo, posible bang matupad yung pangarap ninyo? Posible bang matupad yung pangarap natin? Sigurado akong malaking bahagi kung saan kayo nangarap ay dito sa Yangco. At magandang inspirasyon yung hirap at ginhawang naranasan ninyo para makuha yung diplomang ibibigay sa inyo mamaya. Inspirasyon din yung mga taong naging bahagi at magiging bahagi ng buhay ninyo. Sila na nagmamahal sa inyo at umaasang magtatagumpay kayo. Madami pa kayong pagdaraanan sa buhay, minsan ilulubog talaga kayo sa lupa, sa putikan o sa basura. Minsan pakiramdam ninyo hindi niyo na kaya at gusto niyo ng sumuko. Pero lagi ninyong tatandaan, Lahat naman posible. Lahat ng bagay, kaya nating gawing posible.

Maraming salamat at mabuhay ang ating mga guro, ang ating mga magulang at ang graduating batch ng 2013! Mabuhay ang TR Yangco Memorial School!

Commencement Address given to the Batch 2013 graduates of TR Yangco Memorial School, March 21, 2013

  • Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 16 other followers