About kaRoger

kilala mo ba si ROGER?

sa mga hindi makakilala sa kanya personally, basahin niyo na lang to.

sino ba si roger? Hindi ko na matandaan kung ilang beses na akong nakagawa ng lathalain ukol kay roger. Pero sa pagkakataong ito, pipilitin ko ng pagandahin at kumpletuhin para next time, irerecycle ko na lang at gagamiting muli.. Ano nga ba si Roger? Siyempre, obvious na tao siya. Pinanganak siya sa Bulacan noong October 11, 1990 pero itinuturing niya ang kanyang sarili bilang isang Zambaleño. December 16 naman siya biniyagan sa UST. Yap, Katoliko siya. Pangarap niyang makanood ng olympics SA Pilipinas, makapunta sa WYD at maging first world ang Pilipinas. Nag-aaral siya ngayon sa UP Diliman at mukhang naeenjoy naman niya ang buhay dun.

Sino ba Siya? Simple lang siya na komplikado. Ang hirap iexplain, wag na lang. Tapos napakataas ng pride niyan pero he can be as humble like the bamboo.. hehe.. naranasan niya na talagang gustong gusto niyang gawin yung isang bagay, pero dahil sa pride, hindi niya ginawa. Nasa lugar naman yung pride niya, kahit minsan, walang kwenta yung dahilan. Pagdating naman sa mga prinsipyo at paniniwala, matibay yan. He always makes it to a point na naisasabuhay niya yung mga prinsipyo niya. Masyado talaga siyang tahimik, hindi nagsasalita palagi, siguro dahil reserved siyang tao. Hindi siya namimili ng mga kaibigan pero konti lang talaga yung nakakakilala sa kanya (ako lang ata). Pero minsan, ang ingay niyan, napaka. Basta’t mahuli niyo lang yung point of intersection niyo, magulo na buhay mo. Minsan nga, hindi na yan makahinga sa kakatawa kahit maliit lang yung dahilan(matagal na atang di siya nakakatawa ng ganun). Pero wag ka, iyakin siya. Haha. Basta iyakin yan. At sa experience ko, hindi siya marunong magalit. hindi talaga.. Ai eto pa, isa sa prinsipyo niya ay “Ang school ginawa para mag-aral. Ang bahay ginawa para magpahinga. Ba’t ka mag-aaral sa bahay eh may school naman?” Tama di ba? Kaya kahit may exam yan, seldom lang na mag-aaral yan sa bahay. Ilan sa mga memorable moments sa buhay niya:

1. Nahuli siya sa Bio10 class nila na natutulog. Pinalabas siya pero di siya lumabas. Kaya ayun, yung teacher yung nagwalk-out.
2. Napagalitan siya sa Math17 class nila dahil nag-iingay siya. Muntik na namang mapalabas. Haha..
3. Maling plastic bag yung nakuha niya sa package counter ng grocery.. graBe.. nakakahiya.. haha
4. recently lang, nakalimutan niyang mgabayad sa jeep nung sa UP ikot. haha. narealize niya lang nung nakababa na siya. para siyang engot na tumatawa habang naglalakad papunta sa bahay. hahaha.
5. madaming madaming madami pang iba. =)

Nasaan si Roger? Palagi siyang nandyan, kumakatok sa puso niyo, umaasang papatuluyin mo kasi dun mo lang siya talaga makikilala. Ang drama.. haha. Kailan si Roger? Sana, gusto niya na kahit wala na siya, buhay na buhay pa rin yung alaala niya. Yun bang parang he lives in the lives of others.. Gusto niyang mabuhay habang panahon.. haha..

I thought I can summarize the whole of Roger sa sulating ito. But I was wrong. I was hoping na maipakilala ko siya nang buong buo para hindi na siya mamisinterpret ng iba at para makilala niyo siya talaga tulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Madami pa akong gustong ikwento. Madaming pumapasok sa isip ko pero nawawala din agad. Ganito nga talaga siguro dapat, hindi mo maikakahon ang isang tao sa isang pirasong papel na ito o kahit sa encyclopedia pa. And the nice thing is, it’s for you to find out kung sino ba talaga si Roger. Hindi lang siya fun. Basta. Hirap iexplain. Undefined siya. Hehe.. Isang taong punong puno ng pangarap at gustong kasama ka sa pag-abot ng mga yun. Light the flame, share the dream. Naks. Astig!

Akala ko makukumpleto ko ito pero nagkamali ako. Nu ba yan. Gusto ko talagang ishare yang buhay ng Roger na yan sa iba.. Anyway, dapat isave ko na lang to para magamit kong muli next time.. ieeedit ko na lang at dadadagdagan pagnagkataon.

17 Comments (+add yours?)

  1. Ax
    Aug 03, 2009 @ 08:47:55

    Math17, freshies?
    Kung ganon, doble ang ibayad mo sa UP toki. hehe.

    yay. di pala ako grad ng UP.

    Reply

    • karoger
      Aug 04, 2009 @ 04:23:24

      bakit doble? di ko gets. ang slow ko. haha.

      sa baguio ako nag math17 dati. naiinitan ako sa manila eh. haha.

      Reply

  2. deejay
    Aug 06, 2009 @ 06:52:50

    a basta. di ka mananalong pangulo karoger! ako, ako ang magpapabagsak sa yo! muhahaha! :P

    heniway, buti naman at nag-WP ka na rin! weehee! kowngrats! :D

    Reply

    • karoger
      Aug 06, 2009 @ 07:20:34

      i will win. that’s for sure.
      kukunin naman kitang alalay eh. dont worry.
      may postion na ako sayo.
      taga gawa ng press release laban sa oposisyon ko. hahaha.

      salamat sa pagwelcome. daan ka palagi dito ah. :) )

      Reply

      • deejay
        Aug 06, 2009 @ 18:54:26

        ay, di ako papayag dyan. pero ioopen ko ang posisyon ng presidential adviser on the peace process para sa yo. ikaw ang papakausapin ko sa NPA, oki? wehehe!

        at oo naman dalawin kita lagi. hehehe! :P

        Reply

        • karoger
          Aug 07, 2009 @ 12:54:06

          dalaw sana as in personal na dalaw deej. mas okay yun. o kaya ikaw na lang dalawin ko.
          ano bang gusto mo? roses? chocolates? stuffed toys?? just tell me.. hahaha.

          naku po. wag mo akong pakiusapin sa mga miyembro ng kilusan. baka ano pa ang mgawa ko sa kanila..

          Reply

  3. shynyrd
    Aug 07, 2009 @ 11:32:18

    ui karoger,, kapangalan mo yung kapatid ko. KAGER naman tawag namin sa kanya, katulad ng mga mga kuya ko na may ka rin sa unahang palayaw ng pangalan nila, KADEREK AT KAMEL. hehehe..

    ako nga pala si KA SHERYL, padaan..

    hehehe

    Reply

    • karoger
      Aug 07, 2009 @ 12:51:13

      salamat sa pagdaan ka sheryl. hehe. add kita sa blogroll ko ah. add mo din ako. haha. :)

      bakit may ‘ka’ yung pangalan niyo? kabilang ba kayo sa kilusan?? haha.

      dito lang ako sa roger may ‘ka’.. pag personal na, mas guto ko na roger lang. :)

      Reply

    • Mr. Nonsense
      Aug 19, 2009 @ 06:10:09

      type ko yung expression ni ka sheryl nang makilala nya si ka roger.

      Reply

  4. J.Kulisap
    Nov 23, 2009 @ 05:08:43

    Napasyalan ko na ito dati.

    Taga UP ka rin, kita mo nga naman, napapaligiran ako ng mga matatalinong bata. Salamat po.

    May isa akong prinsesa diyan din nakatira
    Upang hasain karunungang taglay niya
    Maestra ang kursong kinukuha niya
    Makapasa sana para makapagmartsa.

    ito link ni prinsesa: http://xdalisayx.i.ph

    Kamusta Ka Roger..ikaw ba ay aktibista? Labag sa pamahalaan? O pampam..hehehe.

    Reply

    • karoger
      Nov 23, 2009 @ 06:52:25

      hehe. salamat sa pagdaan. though hindi ako active dito palagi. haha.

      opo. up rin ako. :)
      sige dalawin ko siya minsan.

      mabuti naman po ako. hindi ako yung aktibistang nakikita niyong nakasuot ng pula kung saan-saan. yung mga magugulo o yung mga sumisigaw. in fact, magkaiba nga kami ng ideolohiya. medyo liberal ako or something like that. :) pero masasabi kong aktibista ako kasi, aktibo akong nakikibahagi upang makamit ng bayan ang pagbabago :)

      http://rodiyer.multiply.com/journal/item/11/AKTIBISTA_AKO

      Reply

      • J.Kulisap
        Nov 23, 2009 @ 08:18:19

        Dahil diyan, ipinagkakapuri kita.

        Nakikibahagi upang makamit ng bayan ang pagbabago.

        Malinamnam sa isipan ang binitawan mong salita, parang hilaw na itlog na nilagay sa serbesa.

        Isang tagay naman diyan.

        Reply

        • karoger
          Nov 23, 2009 @ 14:55:38

          ang lalim ng iyong Filipino sir. haha.
          salamat sa papuri. lalong lalaki ang ulo ko niyan.
          hmmmm.
          marapatin niyong hingian ko pa kayo ng isang pabor. nawa’y ako’y inyong suportahan saan man, kailan man at anuman. :)

          add kita sa blogroll ko ah! :)

          Reply

  5. dadi j
    Nov 28, 2009 @ 07:48:54

    whew!
    schoolmates!!haha
    juk.
    nu kinukuha mong kurso karoger??
    ahe

    trip ku ideology nyo bout sa “pagkahon ng tao”..
    hehe

    Reply

    • karoger
      Nov 28, 2009 @ 13:15:09

      schoolmates tayo? haha. hmmmmm.
      salamat sa compliment. kaya ikaw, wag mong ikakahon ang sarili mo sa blog mo. :)
      payong kaibigan. :)

      Reply

  6. bonistation
    Jan 04, 2010 @ 06:00:13

    kala ko karoger ung NPA? hihi! sya kasi ung mas kilala ko. lols!

    anyway, pasasaan bat makikilala din namin yan! patambay dito sa blog mo.

    salamat din sa pagdalaw sa bonistation. ^^

    happy new year! bagong taon bagong mga kakilala!

    Reply

    • karoger
      Jan 04, 2010 @ 06:38:35

      oo nga, bagong taon, bagong mga kakilala! dahil dyan, add na kita sa blogroll ko! haha.

      naku, magkaaway kami nung ka roger na yun. malalim ang pinag-awayan namin. hahaha :) im a fresher ka roger and offers a better revolution! hahaha :)

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.