My Last Pitch for a Vote against Sonny Angara
May 11, 2013 § Leave a Comment
Marami akong hinahanap sa isang senador bago ko siya suportahan pero pinakaimportante sa lahat ng hinahanap ko ay iyong marunong making sa bayan. Certainly, Sonny Angara failed in this point and doesn’t deserve our votes. Friends, we vote our senators to represent us, in the halls of the Senate. Sonny Angara, as he admitted, failed to consult properly with the people of Casiguran on the Aurora Pacific Economic Zone (APECO). It is very important for our elected officials to value the voice of the people because they are our representatives, they are expected to fight for our rights, to join us in the struggle, to articulate our voices and our stands but Sonny greatly failed his constituents in Aurora. And in the Senate, in which he will have a greater constituency, hindi natin kailangan ng Senador na hindi marunong making, hindi marunong makipag-usap at hindi marunong umayon sa tawag ng bayan.
Palaging pinagmamalaki ni Sonny Angara ang kanyang excellent educational background, pero I think basic naman na kung mayroong proyekto kang isusulong, yan ay napag-aralang mabuti, and again, Sonny’s pet project, APECO, which aims to alleviate poverty and uplift people’s lives in Aurora failed to provide a feasibility study. Sonny, yung proyekto mong APECO, makakaapekto yan sa buhay at kabuhayan ng libong tao, lalo na ng mga magsasaka, mangingisda at katutubo sa Casiguran tapos hindi pinag-aralan? That’s stupid, just plain stupid! And you wonder why many people are against APECO? Muli, hindi natin kailangan ng senador na hindi marunong pag-aralan yung mga plano at programang hinahain niya. Ano bang pinag-aralan mo sa UP at sa Harvard? Sinasayang mo ang pera ng bayan, Sonny. Hindi ka karapat-dapat sa Senado.
Builders of Aurora daw yung mga Angara. To tell you the truth, sa pananatili nila dun, lalong humihirap ang mga tao sa Aurora! In 6 years’ time, poverty worsened in Aurora by 10%! Imagine from 20% to 30%! Tapos sasabihin ninyong magagaling ang mga Angara? You have been in power for decades! At gusto pa nila ng APECO na hindi napag-aralan, hindi nakonsulta tapos ito daw yung mag-aahon sa hirap ng mga taga-Aurora. Kasinungalingan! Hindi natin kailangan ng isang senador na nanggaling sa isang pamilyang pinalala ang kahirapan sa lugar nila habang sila ay payaman ng payaman. We certainly don’t need another Angara in the Senate!
Mga kaibigan, lately palagi kong nakakasama ang mga Casiguran marchers. Minsan hindi ko maiwasang malungkot sa mga kwento nila, sa kung paano sila itinatrato ng mga Angara, and we don’t want a Senator treating his people like doormats. Naglakad sila ng pagkalayo-layo sa init, sa ulan, sa lupa, sa semento, sa bundok, sa lungsod para lang iparating sa inyo yung mga ginagawang pang-aapi, pang-aalipusta ni Sonny Angara sa kanila. Nahihirapan silang iparating sa inyo yung mga kwento at hinaing nila dahil hindi sila pinapakinggan ng mainstream media pero I assure you, kung kayo mismo ang makaririnig sa mga kwento nila, hindi niyo rin iboboto si Sonny Angara.
Ayaw natin sa isang senador na kukunin yung lupang pinagbuhusan mo ng pawis at dugo na siyang pinagmumulan ng pagkain para sa pamilya mo. Ayaw natin ng isang senador na ipinagkakait ang karagatan sa mga mangingisda at ibinibigay ito sa mga dayuhang kumpanyang dudungis lamang dito. Ayaw natin ng isang senador na hindi iginagalang ang binababoy ang karapatan ng mga katutubong Pilipino. Ayaw natin ng senador na hindi marunong making sa bayan at naniniwala lamang sa kanyang sariling ideya at hindi sa kolektibong pagpapasya ng mamamayan. Ayaw natin ng senador na nang-aapi, nang-aalipusta at nanghahamak sa mga maliliit na tao. Ayaw natin ng senador na inaagaw ang pangarap at kinabukasan ng kabataan. Sonny Angara has been an epitome of what I just said. Hindi po natin kailangan si Sonny Angara sa Senado.
Friends, please let us not vote for Sonny Angara. He might have the background, he might have passed some good laws, he might look good and presentable, but one thing is missing- he is not a man of the people. Hindi siya magiging senador para sa tao kundi siya ay magiging senador para sa kanyang sarili at sa pamilya lamang. Walang wala yung ‘good record’ niya kung iisipin natin yung napakaraming buhay na sinira niya dahil sa isang maling proyektong hanggang ngayon ay pinapanindigan niya. Hindi pwedeng palampisin ang APECO issue sa pagpili ng senador dahil ang isyung ito ay isyu ng mga maliliit na tao.
Let us not be like another Sonny Angara. Pakinggan natin yung boses ng maliliit na tao, yung mga nasa laylayan ng lipunan na nagsasabing hindi karapat-dapat si Sonny Angara sa Senado. Huwag nating biguin yung mga taong ang laki ng sinakripisyo, ang daming pinagdaanang hirap, dahil sa ginawa sa kanila ni Sonny Angara. Huwag na tayong maging katulad ni Sonny Angara na palagi na lang binabalewala ang boses ng mga mahihirap.
A vote against Sonny Angara is a vote for good governance.
A vote against Sonny Angara is a vote for genuine people’s representation in the development process.
A vote against Sonny Angara is a vote for inclusive development.
A vote against Sonny Angara is a vote for the respect on the indigenous people.
A vote against Sonny Angara is a vote for the environment.
A vote against Sonny Angara is a vote for the people.
A vote against Sonny Angara is a vote for our future.
Friends, you know me, and hopefully you know where I am coming from. Hindi ko ito gagawin kung hindi dahil sa mga kwento ng mga taong nakausap ko. Samahan ninyo akong manindigan kasama yung mga maliliit na tao sa hindi pagboto kay Sonny Angara. Let us not vote for Sonny Angara.
Posible.
April 2, 2013 § Leave a Comment
Magandang gabi po.
Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa pagkakataong ito na magsalita sa harap ninyo. Noong 2003 nagsasalita rin ako sa harap ng graduating class ko upang ibigay yung valedictory address, sa town plaza pa yun kung tama ang pagkakaalala ko. Hindi ko aakalain na matapos ang 10 taon ay babalik ako dito para magbigay ng commencement address sa Batch 2013.
Posible pala na sa loob ng sampung taon ay bumalik ako dito para magsalita sa inyo. Posible pala na makapagtrabaho ako sa Ateneo de Manila, kung saan nag-aral noon si Jose Rizal. Posible pala na makapasa ako sa UPCAT at makapag-aral sa UP na pinanggalingan ng 7 presidente ng Pilipinas. Posiblepalang makapag-aral ako ng isang taon sa ibang bansa at makita ang Super Junior, ang Girl’s Generation at iba pa. Posible palang yung isang taong hindi kilala nung 1st year highschool siya ang naging pangulo ng student council nung grumaduate siya. Posible pala yung mga bagay na yun.
Naisip ko ba tong mga bagay na to nung nakaupo ako dyan sa lugar ninyo 10 years ago? Oo at hindi.
Hindi dahil hindi ko naman inakala na ganito yung mangyayari sa buhay ko. Hindi pa naman planado ang buhay ko nung Grade 6 ako. At mas lalong hindi ko pa alam kung anong gagawin ko sa buhay ko noong mga panahong iyon.
Ngunit Oo din dahil kung babalikan ko, yung mga maliliit na tagumpay na to, naging daan ito patungo sa mga pangarap ko. At dito sa TR Yangco Memorial School inumpisahan kong mangarap. Dito ako nangarap ng malaki. Alam yan ng mga naging adviser ko. Graduating class ng 2013, huwag kayong mahiyang mangarap, maliit man malaki. Espesyal sa akin ang Yangco daya dahil dito nabuo ang mga pangarap ko. Sa pangarap nagsisimula ang lahat, at huwag kayong matakot na hindi ninyo maaabot ang mga pangarap ninyo.
Nung isang linggo, kakagaling ko lang sa Porac, Pampanga. Tumira ako dun ng apat na buwan nung college ako kasama ang mga katutubong Ayta. Nagkwekwento yung isang batang gragraduate ng elementary sa akin. Ang saya saya daw niya na gagraduate na siya ng elementary at malapit na daw niyang matupad yung pangarap niya. Simpleng pangarap pero nung nakita ko yung kasiyahan niya na malapit na daw niyang maabot yung pangarap niya, natuwa ako. Napaisip ako, sila na sobrang daming dinadala sa buhay aypilit inaabot yung mga pangarap nila. Alam niyo kung anong meron sa kanila? Inspirasyon. Kahit gaano kadaming pagsubok, kahit gaano kahirap ang buhay, kahit gaano kabigat ang problema , pipilitin at pipilitin nilang abutin ang pangarap nila dahil may inspirasyon sila- gusto nilang makatulong sa pamilya nila, gusto nilang mabago ang buhay nila at gusto nilang makatulong sa komundad nila.Inspirasyon, ito ang magdadala sa atin sa mga pangarap natin.
Isa sa itinuturing kong inspirasyon ay yung masasayang araw ko dito sa Yangco. Hindi ako iba sa inyo. May mga pagkakataong naglilinis ako ng banyo, umiigib ng tubig sa malayong poso/gripo para ipandilig sa mga halaman, naghahabulan sa may mga puno ng manga malapit sa Home Economics Bldg, durugin yung tae ng kalabaw at baka gamit yung kamay para pang-abono sa mga tanim namin. Mayroon dingkaranasan na nasasaniban daw yung isa naming kaklase, napingot ako dahil may kinulong ako sa loob ng room, umiyak ako dahil kinulong ako sa divan at iba pa. Kung sabi ni Rizal, ‘ Ateneo, I spent many happy years there’, kaya ko ring sabihin ng taas noo, ‘Yangco, I spent many happy years there’.
Minsan iisipin natin, baka isa sa hadlang kung bakit hindi matupad pangarap natin o hindi tayo makapagsabayan sa iba ay dahil nanggaling tayo sa isang public school. May punto nga naman: ano nga bang panama natin sa mga private school na may sapat na libro, maaayos na upuan at mesa, magagandang building, at iba pang mas okay. Pero sasabihin ko sa inyo nagkakamali kayo. Hindi ko kailanman kinahiya na nanggaling ako sa isang public school at sana kayo rin. Sana mamaya, sa ating panunumpa ng katapatan sa ating alma matter, maisapuso natin at maipagmalaki na produkto tayo ng TR Yangco Memorial School.
Ano nga bang meron sa atin na kaya nating makipagsabayan at kaya nating maging mas magaling? Andyan yung mga teacher natin, na bihasa sa ilang taon at dekada ng pagtuturo. Kahit makukulit kayo, ay patuloy pa rin ang paghaba ng pasensya para turuan kayo. Sila na tumaya sa inyo at umaasanghindi kayo mabibigo sa buhay. Naiintindihan ko kayo kung may mga pagkakataong naiinis kayo sa kanila pero sasabihin ko sa inyo, pag tumanda kayo, makikita ninyo yung napakalaking tulong, napakalaking sakripisyo at napakalaking kahalagahan nila sa buhay ninyo. (Salamat po sa mga naging guro ko dati sa paggabay at sa pagtuturo.) Andyan yung mga magulang natin, na patuloy na nagtatrabaho, nagsasaka, nangangaso, nagtitinda ng isaw, halo halo o barbeque, nagtatraysikel, nagdarasal at nangungutang para lang magtapos tayo. Huwag nating kalimutang pasalamatan sila sa lahat ng sakripisyo nila sa mahalagang araw na ito. Andyan yung mga kaklase natin, na nakasama natin ng 6 na taon, yung iba siguro makakasama natin sa mga susunod pa, sa hirap, sa ginhawa, sa takbo,patintero, taguan, text, iyakan, sa mga sanib, sa pagtakas sa paglilinis pag cleaners ka, sa pagsumbong ng mga noisy, standing at not in proper seat at iba pa. Isa ito sa mga huling araw na magkakasama kayo ng buo, huwag ninyong hayaang matapos ang gabing ito ng hindi nagpapasalamat sa isa’t isa.
Kaya nating makipagsabayan dahil kahit limitado yung kung ano ang meron tayo dahil sa limitadong pondo ng public schools:Kaya nating magtiis. Kaya nating lumaban. Kaya nating gumaling. Kaya nating mangarap at abutin yung mga pangarap natin. Huwag kayong mahihiyang nanggaling kayo sa public school. Dito tayo hinasang mabuhay at makipaglaban sa buhay Dito, natuto ako ng ako lang, pero natutunan ko rin ang makiisa. Dito tayo nangarap mag-isa at dito rin tayo nangangarap ng magkakasama.
Ngayon, tatanungin ko kayo, posible bang matupad yung pangarap ninyo? Posible bang matupad yung pangarap natin? Sigurado akong malaking bahagi kung saan kayo nangarap ay dito sa Yangco. At magandang inspirasyon yung hirap at ginhawang naranasan ninyo para makuha yung diplomang ibibigay sa inyo mamaya. Inspirasyon din yung mga taong naging bahagi at magiging bahagi ng buhay ninyo. Sila na nagmamahal sa inyo at umaasang magtatagumpay kayo. Madami pa kayong pagdaraanan sa buhay, minsan ilulubog talaga kayo sa lupa, sa putikan o sa basura. Minsan pakiramdam ninyo hindi niyo na kaya at gusto niyo ng sumuko. Pero lagi ninyong tatandaan, Lahat naman posible. Lahat ng bagay, kaya nating gawing posible.
Maraming salamat at mabuhay ang ating mga guro, ang ating mga magulang at ang graduating batch ng 2013! Mabuhay ang TR Yangco Memorial School!
Commencement Address given to the Batch 2013 graduates of TR Yangco Memorial School, March 21, 2013
End of contract.
March 31, 2013 § Leave a Comment
Today ends my contract with Ateneo- March 31, 2013.
Short note/reflection
Sabi ko pag nagkwekwento ako sa mga tao tungkol sa trabaho ko, this is an ideal job. Come to think of it, I have teaching/classroom sessions, I have area work with different labor sectors, I have administrative/office concerns and I also get to be active with my advocacy. Ano pa bang kulang? Of course, sometimes I ask myself, where am I most useful? Saan ako pinakamagagamit? And I always go back to what I believe in- that for change to happen, it is a conscious effort from both the top and the bottom, and now, I feel like I’m being called to breed a new set of ‘illustrados’ and work in their consciousness. Maybe in time, there will be a different call, but for now this is the call and I should do my job well.
Working in Ateneo is a roller coaster ride, sometimes inspiring, other times disappointing. But as I always say, hope should never run out. And most of the time, the last 10 minutes of my last session with the students is an ‘inspirational talk’. I’m quite sure most of the students will forget what I said, pero I’m still betting on it. Sabi nga sa OSCI- Magmahal, Magtaya, Magparaya. And I believe that, not because I’m from OSCI but because nakikita ko yung kahalagahan ng pagtataya. We bet because we believe. Tumataya tayo kasi naniniwala tayo. At tumataya ako sa mga estudyante, sa mga kabataang tulad ko na andun pa rin yung force of goodness, na kailangan lang palakasin yung apoy na naroroon na through the different programs that we have and the opportunities for engagement that we offer.
The past 10 months had been good, tomorrow, I start another year at the Ateneo, now without a written contract but maybe an agreement between myself and those I serve- to work more, do more and be more : to continuously form and be formed- to be a person for and with others, isang taong para sa kapwa at para sa bayan. And because I just came from a retreat (hahaha), let’s do it this way: isang taong para sa kapwa at para sa bayan na nakaugat sa pananampalatayang nagdudulot ng katarungan, a person for and and with others rooted in a faith that does justice.
I think you can call me a dream weaver because I help weave the dreams of the people, those in the margins of society into the dreams of the youth. So here’s to weaving beautiful dreams and making it happen! Cheeeeeeers!
PS: On a more personal note, today marks the end of contract too to 3 of my officemates, but more than that, they had been really good friends. And kayong tatlo pa yung pinakanakakasama ko palagi
They are choosing a different path now and I really wish them well. Nakakapanibago siguro bukas na wala na kayo, Mikey Panopio, Abi Limpin and Pat Peralta. I know we will see each other again and I look forward to working with you again para dun sa mga tao at prinsipyong ipinaglalaban natin. Or siguro sa mga happy moments lang. I don’t want to be emo right now so I will postpone muna yung goodbye messages ko. Thank you for being part of my first job and making it awesome.
Letting go.
January 7, 2013 § Leave a Comment
How do we let go?
We’ve asked this maybe a hundred times and we’ve heard all sorts of answer. People have tried, we failed, we succeeded, we had a cheat day, we say goodbye, we forget, we were hurt, we move on, we live.
Life is a cycle of letting go- sometimes forcefully, by choice or unconsciously. Cutting our umbilical cord was our first experience of letting go, we just don’t know it. Biglang titigil ang suportang nakukuha natin mula sa katawan ng ating mga ina, and maybe if we were able to think in that moment, we would conclude that we will not survive without that cord that connects us from our mothers. We later realize that we need that in order to grow, our mothers need that so that they can go on with their lives. It was part of life.
Isa sa mga unconscious way where we let go would maybe letting go of the things we used doing before- collecting cards, watching television, playing video games, breaking toys, etc etc. Some people are exceptions. But definitely, all of us have experienced letting go of things we used doing. And we loved doing. Why? Maturity. We need to grow. We look back and see how happy we were doing those things and we realize a lot of changes happened in us, around us, with us. Change is inevitable and coping with the inevitable change means letting go and moving on.
And there’s this letting go that hurts the most. We let go of people.
Do we really let go by choice? Or we are just forced to let go? When do we know it’s time to let go? O baka naman darating na lang siya ng kusa? How many chances do we have? Or do we really have chances? I don’t know. The sure thing is it’s hard, it will take time and it will hurt. It definitely hurts.
We let go of things we used to do with other people, of memories we have with them, of the joys and pains, of frustrations and hope, we need to let go of them. We let go of material things. We let go of dreams. We let go of stupidity and intelligence. We let go of superficial joys and profound happiness. We let go of friends and family. We let go of lovers. We let go of ourselves.
A Roller Coaster that was 2012
December 30, 2012 § Leave a Comment
It was a roller coaster 2012 for me- a year full of emotions, new experiences and new people. I guess this year was a year of transition, I have moved on from years of studying to hopefully a more responsible work life for me.
I started my year with just continuing my fieldwork. Parang sinasara ang patapos na kabanata ng aking pag-aaral. Then came graduation, I was very happy to see my parents happy, that I finally, I graduate from UP. All my life, alam kong ito yung hinihintay nila and I know they have been patiently waiting for this day. I know this is the best gift I can give them, maliban siguro sa apo.haha. More happiness to give them a topping for the gift when I graduated cum laude, and they didn’t even know it until graduation day itself.
Next came the question: Saan ako magtatrabaho? There were a lot of choices: Do I go to the grassroots? Should I go back to my hometown? How about government? Eh kung mag-abroad na lang kaya ako? Where in this world can I make use of what I studied to contribute to humanity? Totoo na you can’t have it all, it is hard to find the intersection of my desires and the world’s greatest needs but it is possible. There will be dangerous compromises- as long as you stand firm with your belief and principles I think you can choose well. I prepared my resume, researched, applied, took risks and now I am working at the Ateneo de Manila University- not far from UP.
I chose Ateneo because ever since, I believe that for change to happen with the least ‘casualties’, we need to have a new breed of ilustrados- the enlightened elite. Development should be inclusive and should not alienate people from the top, the bottom and those in the middle. Sorry Marx but I believe in humanity- I believe that people from all walks of life can work together for the common good. I believe it is possible to value the national interest rather than our personal and class interests. I believe that there’s always this distinction of the ‘self’ and the ‘other’ and this does not stop us to be part of one humanity. I know it’s hard, but it’s possible, and now I am working with that possibility. I have yet to see the fruits of my labor but I am hopeful and I will always be hopeful.
This year, I guess I met the most number of new people. I have these JEEP and INTACT-mates who have been very supportive; my OSCI-mates who showed how to form students the OSCI way; my students who gave me hope that an enlightened elite is possible but also gave me frustrations and challenged me to work hard to achieve this goal; comrades in the anti-APECO advocacy who inspired me with their hardwork and dedication to the struggle; people from Casiguran who reminded me why I do what I am doing and to whom I am doing this whom; and people who, in one way or another shared their life with me in a deep or maybe a superficial way. Of course there’s this one (or many) person who will make you smile. And whenever I think of it this year, a person comes to mind. I know I assumed and I don’t know if I am right in assuming but well, wala pang nangyayari. Haha. I am still waiting for the right time, and I can’t wait na. So please, make your presence felt J Another person comes to mind when I talk about smiling minus the kilig. And I am thankful and amazed that after everything, afteeeer everythiiiiiiing, I have this good friend whom I can count on whenever, wherever, whatever. And I don’t know if that’s good or bad.
This year is full of emotions. I remember a time where my fieldworkmates see me crying while typing our fieldwork integrated paper. Naaalala kong feeling ko nasa pelikula ako nun, with tears flowing on my cheeks yet I continue to type. I also remember when I was happily amazed with the beauty of Casiguran- the place and its people. After that, pinangako kong lalaban ako para sa Casiguran, and that’s what I am doing now. I have this memory of crying to my mother over someone, and it was unusual, very unusual of me. I have this feeling of being hopeful and frustrated because of my work. There’s also this person who makes me feel things so hard to explain, so hard to rationalize, so hard to resist- I guess this is what they call kilig. Hahaha. =’> Emotions make us human and I am thankful for a year full of diverse emotions that sometimes I become irrational and illogical, and we humans still need a bit of those at times. 
And there’s this question of where am I headed this 2013. I do not know. Nothing is certain. Hopefully I am about to end my transition and I should start building up myself to achieve my dreams. What my dreams are, are still left unsaid, unwritten and unfinished. Maybe find someone I can share my dreams with. Or maybe not. Maybe next year, I find myself doing things I did this 2012. Or maybe not. Maybe it’s good that this 2013, I go out of what is expected of me and widen my boundaries. Maybe not. That’s good about life, most of the things are uncertain and we work with possibilities, and I love working with possibilities.
Hello 2013! Here’s to a year of uncertainties, of possibilities, of believing and of dreams!
Tamang lugar. Tamang oras. Tamang gawain.
November 22, 2012 § 2 Comments
Paano nga ba ako magsisimula?
Kakagaling ko lang sa isang klase kung saan nagsit-in ako. Nagpaplano sila ng programang gagawin sa kanilang exposure trip sa isang depressed urban poor community dyan sa may Commonwealth Ave. Bahagi ng pormasyon ng mga estudyante dito ang pagbisita sa isang komunidad ng kalahating araw at makisalamuha sa mga bata. Andun ako upang magmasid, dahil area ko yung pupuntahan nila.
Habang nakaupo sa bandang likod, biglang dumating ang Homeroom Adviser ng klase at nagkaroon ng saglit na pagkakataong makipagkwentuhan ukol sa programa. Sabi niya, may tendensiya na ginagamit lamang namin ang iba’t ibang urban poor community para sa aming mga interes. Sumang-ayon ako at sinabing sa aking palagay, yung maiaambag ko sa trabaho ko ay makaisip ng paraan upang dumating yung panahong tatanggihan na kami ng komunidad dahil hindi na nila kailangan ng ganitong mga programa.
Tama nga naman. Ginagamit namin ang mga komunidad na ito upang hubugin ang mga mag-aaral. Minsan nakaka-frustrate. Siguro sa isang klase, kalahati dun, alam mong binobola ka lang sa mga papel nila, ¼ naman ay sarado ang puso at isip dun sa karanasan at yung natitirang ¼, walang pakialam. Hindi ko alam, siguro may isa o dalawa yung talagang nagging bukas na mahubog ng karanasan. At nakakafrustrate dahil alam kong sa loob ng 30-40 years, itong mga taong to ang magiging susunod na Noynoy Aquino, Jose Rizal, Amando Tetangco, Claro M. Recto, Juan Luna, Tony Meloto at iba pa. Nagtrabaho ako dito dahil naniniwala akong hindi sapat ang pagbabagong mula sa ibaba kung hindi naliwanagan ang mga nasa itaas. Naniniwala ako sa bagong henerasyon ng mga ilustradong para sa bayan, kasama ang bayan. At hanggang ngayon, tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung possible nga ba ito. May pinatutunguhan ba itong mga ginagawa ko? Worth it ba yung pagtanggap sa amin ng mga komunidad?
Sa pagtatapos ng planning session ng klase, may nagtaas ng kamay. Gusto daw niyang magbahagi, nung una akala ko wala lang to. Pero nung binuksan ko yung tenga ko para making, narinig ko yung sinabi niya. Wala naman daw tayong naibibigay sa komunidad. Kung mayroon man tayong nababago, napakaliit lamang. Ang nababago ng mga exposure trip na ganito ay hindi yung komunidad, kundi tayo. Bumalik sa ala-ala ko lahat ng mga pasaway na estudyanteng kinainisan ko, yung mga pagkakataong puro reklamo lang yung naririnig ko, at yung walang kasiguraduhan ako sa ginagawa ko. Hindi naman talaga tayo sigurado sa kung anuman. Dun sa sinabi ng 1st year BS Chemistry student na yun, alam kong may nabago sa akin. Hindi man ako sigurado sa mga bagay-bagay, mas nadagdagan naman ang pag-asa ko na hangga’t may isang taong katulad niya, may patutunguhan yung pagtaya ko. At dun mismo sa pagkakataong iyon, alam kong nasa tamang lugar ako, sa tamang oras at sa tamang gawain.
Bakit nga ba ako tumutuloy kahit hindi naman ako sigurado sa kalalabasan ng mga ginagawa ko? Pag-asa. Sa pag-asa naman nagsisimula lahat.









